After that episode, lalo na nung nagmeet na si Nicole at Adrian at nagkita kita na sina Jennifer at Adrian sa Azukarera, di na ako nanood ng Sa Piling Mo... ako ang nagseselos para kay Jennifer, gusto kong pumasok sa TV, sigawan si Jennifer na aminin mo na kasi!!! Sumusilip lang ako pag scene nung 2 pag iba na ulit, lipat na channel...
Hanggang sa pinalabas na yun episode na nadiscover na ni Adrian na si Jennifer at Katherine ay iisa. And then nung time na kinuwento ni Ninong Al kung paano nagtiis si Jennifer para wala lang masaktan... sobra, umiyak na naman ako. Super touched din ako nung nag hugs and kisses si Adrian at Jennifer after magsorry ni Adrian.
At kagabi, it was decision time for Adrian... he has to choose between Nicole and Jennifer... again.. nasasaktan na naman ako. When Adrian decided to attend the wedding... pumasok na ako sa kwarto at namalantsa. Pinagtawanan nga ako ng housemates ko kasi bakit daw super affected ako. ah basta...!
Kaninang umaga, I visited hampaslupa forum (this is where I read SPM updates, at least less ang hurt pag binabasa lang..) Arabella (the one giving updates), created a different ending for SPM. Upon reading this, sobrang tuwa ko... wish ko nga sana yun na lang ang nangyari kesa naman ipagpatuloy pa yun kwento... Most likely, magiging bad step mom si Nicole... And asar ako coz yun pinabubuntis ni Nicole is for Benicio!!! Grrrrr!!! I also hate Manay Gina (sinusulsulan nya lagi si Adrian)..
Anyway, I have posted yun SPM Ending ni Arabella, para sa Adrian-Jennifer fans na gaya ko.. For sure matutuwa kayo...
sa kotse, pinapipili ni jayson si adrian: si nicole ba o si jennifer. sabi ni adrian "mahal ko si nicole", ang sagot naman ni jayson "sino ba ang kinukumbinsi mo? ako o ang sarili mo?" litong-lito na si adrian at naiiyak na din dahil hindi nya kayang lokohin ang sarili. pinaabante na ni adrian ang kotse para pumunta nang simbahan.
sa simbahan habang lahat ay kabado, si nicole ay umiiyak at nag-re-reminisce nung mga panahon na si adrian ay halos mabaliw nang nalaman nyang patay na si jennifer, and how long she has to wait for adrian to love her and how hard she tried to win adrian's heart. alam nya sa araw na ito ay hindi na maitatanggi na pilit lang nilang pagtatakpan ang isang malaking kasinungalingan, ito ay ang ipagpatuloy pa ang kanilang pagsasama at pagmamahalan gayong dapat ilaan nalang sa taong nararapat. naisip din ni nicole ang mga sandaling nakilala nya si jennifer at kung paano sya nagselos, naging kaibigan at nung huli ay humingi nang awa para sa kalayaan ni adrian. pagkatapos nyang mag-muni-muni ay huminga sya nang malalim at ni-release ang pressure na nararamdaman.
habang ang sasakyan nila jennifer ay papuntang airport, nasa loob nang kotse si benicio, russel, jeremy at jennifer - umiiyak ang bata dahil aalis na daw ang daddy ninong nya, at inalo naman sya ni benicio dahil ang sabi ay babalik naman daw sya at kung gusto pa nang bata ay bumisita din sa states at bibilhan nang maraming laruan. napansin ni benicio na umiiyak din si jennifer, tinanong ni benicio kung ang luha ba daw ni jennifer ay para sa kanya or para kay adrian, dahil alam ni benicio na itong araw din ang kasal ni adrian kay nicole. nagkunwari si jennifer at sinabing para sa iyo ito dahil mawawalan na ako nang kaibigan na malalapitan pag kinailangan ko, napangiti si benicio pero sinabi kay jennifer ay kilalang-kilala na nya si jennifer at hindi sya pwedeng magsinungaling. tinanong ni benicio kung ano ba daw ang saloobin ni jennifer, sinabi nang dalaga na minsan na daw syang nagparaya at kaya nya uling gawin iyon para sa ikabubuti nang lahat. tinanong ni benicio kung ikabubuti ba din iyon ni jeremy, na hindi na makasama pa ang tatay nya, puro sandaling bisita,puro patakas na sandali. naririnig iyon nang bata pero hindi pa masyadong maintindihan. sinabi ni jennifer na dadating din ang tamang panahon ay maisasaayos din ang lahat at ang araw na ito ang simula sa lahat. sinabi ni benicio na kung kailangan gawin ang tama kahit na madami ang masasaktan, ito ang nararapat kesa naman ang lahat ay mabuhay sa kasinungalingan. napaisip mabuti si jennifer at umiiyak na napaakap nalang kay benicio.
may patawid na kotse at nagbigay nang daan ang sasakyan nila jennifer para makatawid ang isang kotse. nabigla si jennifer nang mapansin nya na iyon ay kotse ni adrian - papunta na sa simbahan. nagulat naman si adrian dahil hindi nya akalain na makikita din nya si jennifer, pinahinto ni adrian ang kotse, at nalaman ni jayson kung bakit, binuyo pa ang kaibigan na hindi na matutuloy ang kasal dahil hindi na magpapasakal si adrian, nandidito na daw ang tamang opportunity na para itama ang lahat. halos sabay na bumaba si jennifer at adrian sa kotse. hindi nila napigilan ang mga sarili at tumatakbo sila pareho towards each other at nag-akapan at naghalikan. nakita iyon nila benicio at jeremy, pero ang bata ay naguluhan sa nakita, sinabi ni benicio na "si tito adrian ang totoo mong daddy at mahal na mahal sya ni mommy, ang mabuting bata ay dapat mahal nya ang kanyang daddy. kung ano man ang pagmamahal na binigay mo sa akin, dapat ibigay mo din iyon sa totoo mong daddy dahil matagal mo syang hiniling kay Jesus, at hiniling din ito nang daddy mo - na sana ay makilala nya ang tunay nyang anak." nag-akapan si jeremy at benicio na kapwa umiiyak. naghihingian nang sorry sila jennifer at adrian sa isa't-isa:
jennifer: "sorry adrian, akala ko kaya ko uling magparaya para sa ating lahat pero hindi na tama ang ipagkait ko pa sa ating anak ang katotohanan. hindi na rin tama ang lokohin ko ang sarili ko at sabihing magiging ok kami ni jeremy kahit may iba ka nang mahal at pamilya. hindi ok na pakawalan pa ang pagkakataong matagal ko nang ipinagdarasal, pinapangarap at inasam mula nang tayo ay magkahiwalay. hindi madali na ipaubaya nalang sa iba ang taong labis kong nang minahal mula simula pa at hanggang sa ikabilang buhay ay wala na akong iibigin pa. mahal na mahal kita adrian, ikaw lang ang buhay ko noon, ngayon at bukas."
adrian: "sorry jennifer dahil hindi ko man lang napaglaban ang ating pagmamahalan. mas pinili ko pa ang saktan ka muli para lang sa isang malaking kasinungalingan, pero hindi ko na papayagan mangyari ang muli't-muli kang masasaktan at makikita kang luhaan habang ako ay nasa piling nang iba. matagal na akong bumuo nang pangarap para sa ating dalawa, bumuo ako nang pangarap na akala ko ay hindi ko na makikita pa dahil na din sa ibang pangarap ang binuo ko para sa iba. hindi kayang pagtakpan ang totoong nararamdaman ko jennifer, hinding hindi. hindi ko naisip na mas maraming masasaktan kung ipagpapatuloy ko lang ang kasalang ito, hindi ko lang masasaktan ang babaeng pinakamamahal ko, pati na rin ang sarili ko ay patuloy kong masasaktan sa tuwing makikita ka, hindi ko kayang iwan ka jennifer." (hugs, hugs, more kisses and tears)
sa simbahan ay bumaba na nang kotse si nicole at naglakad papuntang altar. kinuha ang mic at nagsalita:
nicole: "salamat po sa lahat nang pumunta ngayon sa araw nang dapat ay kasal ko, pero kinalulungkot ko po na hindi na ito matutuloy. alam ko kung nasaan man si adrian ay masayang-masaya sya, hindi ko sya mapipilit, hindi ako magagalit dahil ginawa lang nya ang dapat nararapat at ang dapat mangyari. our love story is different, extraordinary, but not all fairy tales do come true and not everything will end in a happy one. today, i made the right decision, that is to let him go. i already told it once or twice and i will tell it again, i don't want to be the second best nor the second choice. daddy, noon pa man ay nanlilimos na ako nang pag-ibig mula nang nawala si mommy ay kasama mo na din syang nawala sa akin. akala ko hindi ko na matatagpuan pa ang pagmamahal na iyon, dumating si adrian at ang pamilya nya at doon ay napunan ang pagmamahal na matagal ko nang inaasam. nagbago ang lahat pati ikaw daddy ay nagbago na din, minahal mo na din ako. nagpapasalamat ako sa Diyos na dumating sa buhay ko si adrian, pero nagpapasalamat din ako dahil nalaman nating lahat na si jennifer ay buhay pa. ito na dapat ang pinakatatakutan ko, pero hindi pala, ito pala ang magbubukas nang pinto para sa magandang simula nang bukas ko at nang magiging anak ko sa piling nang daddy ko. siguro mahihirapan ako dahil pinili kong ipaubaya nalang si adrian sa taong pinakamamahal nya, pero ang sacrifices na iyon will all worth dahil hindi tamang piliin ako ni adrian para lang sa paninindigan, hindi sa pagmamahal. hindi ko kayang akapin, tingnan at halikan si adrian gayong alam ko sa bawat gestures na iyon ay si jennifer ang kanyang iniisip. kukulungin ko lang ang sarili ko sa anino ni jennifer, kukulungin ko lang si adrian sa pagkukunwari. i think the best love that you can give to somebody is to let them be and set them free. to nanay gina, maraming salamat po at huwag kayong magagalit, kilala nyo si adrian at alam ko maiintindihan nyo balang araw, mabait po si jennifer kaya nga sya ang pinili ni adrian. daddy, we will start a new life with my baby, punuin natin nang pagmamahal ang anak ko, ibigay mo sa kanya ang hindi mo naibigay sa akin, at ibigay mo din sa akin ang matagal ko nang hinihiling sa iyo, mahalin mo kami nang anak ko daddy, we need you and i love you so much dad." (nag-iiyakan na sa loob nang simbahan, pati pari ay nakikinig at sumasang-ayon sa lahat nang sinabi ni nicole.)
**slow motion: masayang-masaya sila jennifer at adrian, bumaba nang kotse si jeremy at tumakbo papunta sa dalawa.** si benicio at russel naman ay nagpaalam na din at kinamayan ni benicio si adrian at binilin na huwag nang iiwan pa si jennifer, pinangako naman ni adrian na pakamamahalin nya ito at aalagaan.
**slow motion: si nicole ay tumatakbo papunta sa daddy nya at ang dalawa ay nag-akapan, makikita mong may tuwa sa kanila kahit kapwa umiiyak.** umalis na ang wedding car kasama sila tatum, nanay gina, daddy ni nicole at syempre pa si nicole. hinagis parin ni nicole ang bouquet, at masaya sya sa kanyang naging desisyon. sinabi nang ama: i'm proud so proud of you, you also made your mom proud too."
sa airport, tumatakbo si marissa at pilit na hinahanap si russel, naabutan din ni norma si marissa na naghahanap kay russel. nakita ni marissa si russel at pilit na gustong pumasok sa loob pero hinarang sya nang mga security. nagwala si marissa at nagkaroon nang commotion. nilingon nila russel at benicio ang gulo at nakita nila si marissa na nagwawala at nandoon din si norma. nagulat si russel at dali-dali itong pumunta kay marissa. nag-akapan ang dalawa at kapwa umiiyak. nag-sorry si marissa dahil hindi nya binigyan nang pagkakataon si russel para magpaliwanag, at pinahinto na sya nang binata magsalita.
russel: "alam ko na, ngayon ay alam ko na, mahal mo din ako diba?"
marissa: "oo mahal pala kita, akala ko dahil lang sa kuya kita, hindi pala. mahal kita dahil mas higit pa doon ang naramdaman ko."
russel: "hayaan mo, pagbalik ko ay matutupad na din ang mga pangarap natin nung mga bata palang tayo, binuo ko iyon noon pa para sa iyo, ngayon ay matutupad ko nang lahat."
marissa: "maghihintay ako russel, asahan mo iyon, pangako."
russel: "salamat marissa at hindi mo ako binigo, maraming salamat at mahal na mahal kita."
marissa: "mahal na mahal din kita russel."
(nag-akapan nang mahigpit at nag-iyakan)
ang lahat ay naging masaya, nagpakasal sila adrian at jennifer. si nicole at ang daddy nya ay pumunta nang australia para doon na mamuhay. nagkapatawaran at nagkaintindihan na sila jennifer, adrian at nicole, patuloy na naging mabuting magkaibigan ang tatlo para na din sa baby ni nicole. si tatum ay nakahanap na nang bagong girlfriend, si russel at marissa ay nagtatawagan at minsan-minsan ay umuuwi nang pinas si russel. naka-graduate na ang dalawa at nagsimula nang bumuo nang kanilang pangarap. si nanay gina ay abala sa apo na si jeremy at sa bagong baby nila jennifer at adrian, this time girl naman ang baby. si benicio ay nagpakasal na din sa americana, at si norma ay pinagpatuloy nalang ang buhay kasama sila russel at marissa.
THE END